We want to make Vancouver more affordable - not just housing, but the costs that families face on a regular basis like property taxes and community programs.
Tagalog
Ang Pangarap at Adhikain ng Vision Vancouver
Minsan pa ay malugod namin kayong inaanyayahan para mag-kapitbisig tayong gampanan ang mga adhikain nating sinimulan na. Magkaisa tayong itaguyod at ihalal ang makahulugang “Vision Vancouver team” sa City Council, School Board at Parks Board upang ipagpatuloy ang mga gawain at proyekto tungo sa pagkakaroon ng kalidad na pamumuhay, disenteng tirahan, luntiang kapaligiran at maaliwalas at maayos na siyudad ng Vancouver.


Mga Bagay na Nagawa
Sa nakaraang tatlong taon, si Punong-Bayan Gregor Robertson at ang Vision Council ay natamo at nagampanan na ang mga ipinangako nitong gagawin noong 2008 na nakatulong sa maraming taga Vancouver, gaya ng mga sumusunod na usapin:
Kawalan ng Tirahan
Sa unang pagkakataon sa loob ng mahigit isang dekada ay natulungang mabigyan ng tahanan ang 110 katao na walang tirahan sa bayan ng Vancouver.
Matibay at Matiwasay na Bayan
Naipatupad natin ang ligtas at tamang tawiran para sa mga tao at daan para sa seklista, nagdagdag din ng gastusin at kailangang bagay sa Police Department at ang pagtutol sa pagtatayo ng isang mega-casino sa False Creek.
Disenteng Tirahan
Pagtatayo ng isang bagong rental housing sa loob ng apat na taon, at ng kauna-unahang co-op housing sa loob ng nakaraang dekada.
Greenest City
Pagtatalaga ng bagong curbside compost pick-up program, para sa kaaya-ayang kapaligiran at pagsasakatuparan nang ating “Kyoto green house gas (GHG) reduction target.”
Masayang Bayan
Sinimulan na natin ang “street food cart program” na malugod na sinusuportahan nang mamayan, at ang patuloy na pagtataguyod nang “arts and culture funding” tungo sa isang matiwasay na kumunidad.
Serbisyo Para sa Publiko
Patuloy na pagtataguyod nang maayos at ligtas na mga paaralan, community centres at libraries, sa kabila nang hinaharap nating taghirap sa ekonomiya.


Ang Ating Adhikain sa Hinaharap
Mga kababayan, sa ating pag-tutulungan ay marami na tayong nagampanan subalit marami pa tayo kailangang gawin bago natin marating at maisakatuparan ang ating mithiin para sa ating bayan ng Vancouver. Sa susunod pang tatlong taon ay ipagpapatuloy natin ang mga gawaing sinimulan na upang tugunan ang pangangailangan gaya nang kawalan ng disenteng tirahan, pagkaroon ng hanap-buhay at pangangalaga ng kapaligiran at mga proyekto tungo sa isang tahimik, ligtas at kaayaayang kumunidad ng Vancouver.
Sa kasalukuyan, si Punong-Bayan Gregor Robertson at ang Vision Vancouver Team ay inihahanda nang ipatupad ang mga sumusunod:
- Pagtatalaga nang mas marami pang affordable housing, fair rental policy at mababang buwis.
- Suportahan ang rapid transit sa Broadway corridor at representasyon tungo sa mas maraming biyahe ng bus at pag-aralan pa upang mapabuti ang ligtas na daanan ng tao at seklista at mga bagong alituntunin tungkol sa trapiko.
- Pagtatayo at pagtataguyod nang marami pang park, playing fields, public libraries at community centres, tungo sa maayos na kumunidad sa bayan natin Vancouver.
Maraming Salamat Po Sa Inyong Suporta at Pagtangkilik!
Ang Inyong Lingkod,
PUNONG-BAYAN GREGOR ROBERTSON and TEAM



